BAGUIO CITY - Nalambat ng mga tauhan ng Baguio City Police Office (BCPO) ang isang pinaghihinalaang big-time drug pusher sa inilatag na buy-bust operation sa Barangay Irisan nitong Disyembre 28.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang suspek na kinilala ni BCPO Director Glenn Lonogan na si EdmundoGarcecoGecarani, 42, at kabilang sa High-Value Target Drug Personality.

Naiulat na binentahan umano ni Gecarani ng 100 gramo ng iligal na droga na nagkakahalaga ng₱680,000 ang isang police poseur buyer sa isang operasyon sa bahay nito sa Brgy. Irisan nitong Martes ng umaga.

Nahaharap na ngayon si Gecarani sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Probinsya

Lolang bibisita sa City Jail, timbog matapos mahulihan ng ilegal na droga

Zaldy Comanda