CAGAYAN-- Patay ang isang lalaki matapos barilin sa ulo sa loob ng isang compound sa Purok 5, Brgy, Flourishing, Gonzaga

Ayon sa Investigator-On-Casena si PSSg Erick B. Caliva, kasalukuyang nagkakasiyahan ang biktima at pamilya nito nang sumugod ang isang armadong nakasuot ng green coat na may hood, face mask, at shade.

Ganap na alas 4:00 kaninang madaling araw nang barilin sa ulo ang biktimang si Rey Basquez, 49, ng isang hindi kilalang salarin. Agad naman itong isinugod sa ospital ngunit ito ay namatay na.

Nakarekober ang PNP ng isang deformed slug ng hindi pa mabatid na kalibre ng baril sa pinangyarihan ng krimen.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Patuloy pang inaalam kung anong motibo at kung sino ang maya gawa sa krimen.

Liezle Basa Inigo