Patay ang isang 12-anyos na lalaki habang sugatan ang isa pang kasamahan sa nangyaring pagsabog sa isang coastal barangay sa Zamboanga City nitong Lunes ng hapon.

Dead on the spot ang batang si "Erickson" habang isinugod naman sa ospital ang kasamahang si "Jovan" dahil sa mga sugat nito sa katawan.

Paliwanag naman ni Zamboanga City Police Office (ZCPO) information officer Mary Agnes Miro, ang insidente ay naganap sa Bgy. Rio Hondo, dakong 2:00 ng hapon.

Nakaligtas naman sa insidenteang isa pang bata na kasamahan ng mga ito.

Probinsya

9-anyos na bata, patay matapos makuryente ng tinatayang 20 minuto

Sa pahayagnaman ni barangay treasurer Nuraina Lawisan, ng Rio Hondo, kaagad siyang sumugod sa lugar matapos marinig ang malakas na pagsabog.

Aniya, isang tila "tubo" ang nadampot ng tatlong bata habang lumalangoy ang mga ito sa tabing-dagat, malapit sa Naval Station ng Rio Hondo.

Kaagad umano itong sumabog nang ibato sa concrete seawall ng isa sa tatlong bata.

May teorya naman ang mga awtoridad na posibleng kabilang ang nasabing pampasabog sa hindi narerekoberng pulisya matapos ang 21 araw na sagupaan sa tinatawag na Zamboanga siege noong 2013.

PNA