Binabantayan ngayon ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ang isang bagong low pressure area (LPA) sa labas ng Pacific Ocean o nasa labas pa rin ng area of responsibility ng bansa nitong Lunes ng umaga, Disyembre 20.

Ayon sa weather specialist na si Aldczar Aurelio, napakalayo pa rin ng LPA para maapektuhan ang alinmang bahagi ng bansa ngunit patuloy itong babantayan ng PAGASA.

Nitong Lunes, ang shear line o kilala rin bilang tail-end of frontal system at ang amihan ang nananatiling nangingibabaw na sistema ng panahon sa bansa, ani Aurelio.

Dahil sa shear line, maulap na papawirin na may kalat-kalat na pag-ulan at pagkidlat-pagkulog ang maaring maranasan sa Aurora, Batanes, Cagayan, Isabela, Qurino, Isabela, Nueva Vizcaya sa susunod na 24 oras.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ang mga nasa mga lugar na ito ay pinayuhan na mag-ingat laban sa posibleng pagbaha o pagguho ng lupa, lalo na sa panahon ng katamtaman hanggang, kung minsan, malakas na pag-ulan.

Samantala, sinabi ng PAGASA na ang amihan ay maaaring magdala ng maulap hanggang sa maulap na kalangitan na may pulo-pulong mahinang mga pag-ulan sa Ilocos Norte, Ilocos Sur, La Union, Pangasinan, Abra, Apayao, Benguet, Kalinga, Ifugao, at Mountain Province.

Samantala, makararanas ng bahagyang maulap hanggang maulap na papawirin na may pulo-pulong mga pag-ulan o pagkidlat-pagkulog ang Metro Manila at ang natitirang bahagi ng bansa.

Ellalyn De Vera Ruiz