Matapos ang halos 24-oras na suspensyon ng mga flight papunta at palabas ng Tacloban City sa Leyte, balik-operasyon na ang Daniel Z. Romualdez Airport nitong Biyernes, Dis. 17.

Sa isang public advisory na nilabas ng Civil Aviation Authority of the Philippines (CAAP) Area 8, balik na agad sa regular na operasyon ang Tacloban airport ngayong Biyernes.

Kasabay nitong binuksan sa mga biyahero ang Ormoc airport sa parehong anunsyo ng CAAP sa kanilang Facebook page.

“Tacloban Airport and Ormoc Airport has resumed its regular operation today December 17, 2021,” anunsyo ng CAAP Area 8.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Napasailalim hanggang Storm Signal Number 4 ang ilang bahagi ng Southern Leyte habang nilagay sa Storm Signal Number 2 ang natitirang bahagi ng Leyte kasunod ng paghagupit ng #BagyongOdette nitong Huwebes, Dis. 17.