May nalalapit na proyekto?

Ito suspetsa ng ilang fans nina American pop superstar Ariana Grande at Pinay music icon Lea Salonga matapos mapabalitang follower ng "positions" singer ang legendary broadway diva sa Instagram

Ang Toy award-winning artist na si Lea Salonga ay kilala sa kanyang pagbibigay ng boses sa dalawang Disney princesses na sina Jasmine at Mulan.

Matapos ang kanyang matagumpay na pagganap sa Miss Saigon at Les Miserables, kabi-kabilang pagkilala ang natanggap ni Lea mula sa iba’t ibang bahagi ng mundo kabilang ang Oliver, Drama Desk, Theater World Awards at Outer Circle Critics.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Samantala, nitong Nobyembre, nauna nang mapabilang sa cast ng film version ng Broadway hit na “Wicked” ang American pop star na si Ariana Grande kung saan pagbibidahan din ito ng Tony-winning at Oscar-nominated singer-actress Cynthia Erivo.

Kasunod na maiulat na follower na ni Lea Salonga sa Instagram si Ariana, ‘di maiwasang isipin ng fans na maaaring bahagi ng proyekto ang Pinay broadway star.

Kasalukuyang mayroong 281 million followers si Ariana sa Instagram habang nasa 988,000 naman ang sumusubaybay kay Lea sa parehong social media site.