Minamadali na ng Senado ang pag-aapruba sa panukalang mahigit sa₱5 trilyongnationalbudget para sa 2022 upang maipadala na ito kay Pangulong Rodrigo Duterte para sa kanyang pirma.

Sa panayam kay Senate Majority Leader Juan Miguel Zubiri nitong Sabado, Disyembre 11, isasagawa nila ang hakbang sa Huwebes at makalipas ang isang linggo ay isusumite na nila angGeneral Appropriations Bill (GAB) sa Pangulo.

Aniya, pinayagan ng bicameral conference committee panel ng Senado at ngHouse of Representatives siSenator Juan Edgardo Angara, chairman ng Senate Finance committee at pinuno ng Senate panel, at ang House counterpart nito na upuan at lutasin ang hindi napagkakasunduang mga probisyon ng panukalag budget.

Kabilang lamang sa hindi napagkakasunduan ng dalawang panel ay ang kung magkano ang ilalaan nilang budget ngNational Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC).

National

Eastern Samar, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol

Nais ng mababang kapulungan na maglaan ng₱20 bilyonhabang ang Senado balak na maglaan ng₱10.8 bilyon.

Sa kabila nito, umaasa si Zubiri na maayos ng dalawang panel ang kanilang gusot hanggang sa maratipikahanng dalawang kapulungan ang conference committee report para sa naturang budget bago maipadala ang GAB sa Pangulo.

Mario Casayuran