Pinakilig ng mag-asawang mula sa Dumanjug, Cebu ang netizens sa kanilang bonding time gamit ang cellphone ng kanilang apo.

Larawan: Jona Alonte/FB

Sa Facebook post ng apo nilang si Jona Alonte, ibinahagi nito ang bagets na bagets na quality time ng kanyang lolo at lola.

Trending

Tatlong 'akyat-bahay’, hindi inatrasan ng matapang na nanay sa India

Aniya, nakatulog siya noong Nobyembre 28 ng hapon. At habang natutulog ito, kinuha ng kanyang lolo at lola ang cellphone nito upang mag-selfie.

"So ayun Saturday afternoon while I'm asleep kinuha ni lola cp ko then nag selfie sila ni lolo," ani Alonte sa kanyang post.

Larawan: Jona Alonte/FB

Dagdag pa niya, hindi alam ng lolo at lola niya ang password nito ngunit may face recognition ito kaya naman nabuksan nila ang kanyang cellphone nang itapat sa mukha niya habang natutulog.

"… ayun nanga na alala korin na may password cp ko and di nila alam yung password pano nila na open then I asked my lola kung pano na open sabi niya nakikita daw niya na tinatapat ko yung cp ko sa mukha tapos na o-open kaya habang tulog ako tinapat niya yung phone sa mukha ko."

Nagulat na lang si Alonte nang tignan nito ang kanyang gallery at marami na itong larawan ng kanyang lolo at lola.

Naisip ni Alonte na i-post sa social media ang kanyang lolo at lola, at umani na ito ng 11k reactions.