Iniulat ng OCTA Research Group na bumaba pa sa 0.35 ang reproduction rate ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) sa National Capital Region (NCR).

Binanggit ni Dr. Guido David sa kanyang Twitter account nitong Lunes na ang naturang reproduction number ay naitala mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 5, 2021.

Anang OCTA, mas mababa ito kumpara sa 0.92 na naitala sa kahalintulad na petsa ng nakaraang taon, gayundin sa 0.36 na naitala naman mula Nobyembre 26 hanggang Disyembre 2, 2021.

Ang reproduction number ay tumutukoy sa bilang ng mga taong maaaring maihawa ng isang pasyente ng COVID-19.

National

Akbayan Party-list, nagpahayag ng suporta sa impeachment laban kay VP Sara

Nauna nang inihayagng World Health Organization (WHO), ang reproduction number na mas mababa sa 1 ay indikasyon nang pagbagal ng hawaaan ng virus.

Naiulat din ng grupo na bumaba rin ng hanggang sa 112 ang average new cases per day ng COVID-19 kumpara sa 370 ng nakaraang taon.

“Comparing the NCR the past week with the same time period last year, the average number of cases is lower by 70%,” ayon pa sa pahayag ng OCTA Research Group.

Mary Ann Santiago