Tinatayang aabot sa isang kilo ng marijuana na nagkakahalaga ng ₱120,000 ang nakumpiska sa dalawang magkaangkas sa motorsiklo sa ikinasang Oplan Sita sa Makati City nitong Disyembre 5.

Kinilala ni City Police chief, Col. Harold Depositar ang mga naaresto na sina Tyrone James Del Valle, 23, at Ronaldo Querubin Jr., 23.

Naaresto ang dalawa nang sitahin sila sa isang checkpoint sa Bautista Street, Brgy. Palanan dakong 12:25 ng madaling araw ng Linggo.

Sinabi ng mga pulis, biglang nahulog kay Del Valle ang drug paraphernalia nang hugutin nitoang kanyang coin purse habang inilalabas nito ang driver's license.

Metro

Mayor Lacuna: Payout sa 203K seniors, malapit nang matapos

Narekober naman sa backpack ni Querubin ang pinatuyong dahon ng marijuana. Kakasuhan ang dalawa ng paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Bella Gamotea