Halos 'mabaliw sa saya' ang 'It's Showtime' host na si Vice Ganda nang tanghalin siyang 'Best Entertainment Presenter/Host' sa ginanap na Asian Academy Creative Awards 2021.

"Overwhelmed! Ang gulo ng pakiramdam! Naiihi ako na naduduwal na di ko maintindihan. Nakakabaliw sa saya! Thank you Lord! This is unbelievable! Shit I just won Best Entertainment Host at the Asian Academy Creative Awards!" pahayag ni Vice Ganda sa kaniyang tweet nitong Disyembre 3.

Screengrab mula sa Twitter/Vice Ganda

Ang pagkapanalo niya ay para sa community game show na 'Everybody, Sing!' sa ABS-CBN na umere lamang mula Hunyo hanggang Oktubre 2021.

Teleserye

Susan Africa, hindi na inuubo pero mukhang sasakit ang ulo

Vice Ganda wins in Asian Academy Creative Awards
Larawan mula sa Twitter/iWantTFC

Samantala, ang '24 Oras' naman ng GMA Network ang nakasungkit ng Best News Program para sa special coverage ng ng bagyong Ulysses o typhoon Vamco sa Luzon.

Ginanap nitong Disyembre 2 at 3 ang virtual ceremonies ng naturang prestihiyosong parangal para sa mga natatanging Asian-made TV and streaming content gayundin sa mga personalidad sa mga bansa sa Asya. 38 mga parangal ang naigawad nila nitong 2021.