Muling hinikayat ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang publiko na tangkilikin ang alok na libreng sakay ng Pasig River Ferry Service (PRFS) ngayong Disyembre 3.

"Sabi nila, masarap ang libre. Kaya sa Pasig River Ferry Service, masarap na ang biyahe dahil sa walang traffic, libre pa ang pamasahe!" ayon sa MMDA.

Upang makasakay ng libre, magtungo lamang sa alinmang istasyon ng PRFS na malapit sa kanilang lugar.

Kabilang sa mga istasyon ay ang Pinagbuhatan, San Joaquin, Maybunga, at Kalawaan sa Pasig City; Guadalupe at Valenzuela sa Makati City; Hulo,Mandaluyong City;at Lambingan, Sta. Ana, PUP, Lawton, at Escolta naman sa lungsod ng Maynila.

National

Kilalanin ang mambabatas na nasa likod ng Death Penalty for Corruption Act

"Umiwas sa bigat ng trapik ngayong Kapaskuhan. I-enjoy ang tanawin habang binabaybay ang Ilog Pasig patungo sa iyong destinasyon sa Metro Manila," hikayat pa ng MMDA.

Bella Gamotea