Wala pang tiyak na petsa kung kailan muli isasagawa ang ikalawang bugso ng National Vaccination Days.

Ito ang inihayag ni acting Presidential Spokesperson Karlo Nograles na nagsabing sa ngayon ay nasa proseso pa ng pagsasapinal ang pamahalaan para sa posibilidad na implementasyon nito .

Sinabi ni Nograles, pinag-aaralan nilang isagawa ito sa Disyembre 15-17, gayunman, ipinauubaya na nila ito sa National Task Force Against COVID-19 ang pagpapasya.

Layunin aniya ng hakbang na maipagpatuloy ang lalo pang pagtaas ng bilang ng mga Pilipinong bakunado sa harap ng ulat na marami pa rin talaga ang gustong magpabakuna bilang proteksyon sa virus.

National

VP Sara, hindi 'isang kaibigan' si PBBM; nagkakilala lang dahil sa eleksyon

Beth Camia