Sa ulat ng Billboard nitong umaga ng Martes, Nob. 23, muli na namang nasungkit ng award-winning Pop icon na si Taylor Swift ang Number 1 spot sa Billboard Hot 100 para sa kanyang “All Too Well (Taylor’s Version).”

Matapos ang kanyang re-recording release ng 2012 classic Red album nitong Nob. 12, kasabay ng ilang tracks na hindi pa narinig ng publiko kabilang ang 10 minute version ng “All Too Well,” binasag na naman ni Taylor ang streaming world at maging ang music sales.

Kasalukuyan ding nangunguna sa Billboard 200 albums chart ang Red (Taylor’s Version) habang patuloy na namamayagpag sa Hot 100 list ang iba pang tracks nito.

Ang Billboard Hot 100 list ay sumusukat sa dalas ng pakikinig ng Amerika sa parehong official audio at official video ng isang kanta sa iba’t ibang music platforms. Kasama din sa mga nakaaapekto sa chart ranking ang pinagsamang radio airplay at sales data ng kanta mula nang ito ay i-release sa publiko.

Musika at Kanta

Regine, nakatanggap ng apology letter matapos maetsa-pwera sa billing ng MYX Global

Ito na ang pangwalong kanta ni Taylor Swift na bumulusok sa Hot 100 list ng Billboard.