Hindi lamang talent manager si Viva Entertainment top honcho Vic del Rosario Jr. sa celebrity couple na sina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli, kung hindi bukas siyang tulungan ang dalawa sa personal na problema ng mga ito.

Sa isang article na inilabas ng PEP.ph, ibinahagi ni Boss Vic kung paano siya nakielam umano sa pagitan nina Sarah, Matteo at Mommy Divine.

“Normally, ayoko makialam sa personal dahil, di ba, di na kasama sa pagma-manage. I don’t get involved, except kay Sarah because I personally handle her,” panimula niya.

“Ako naman, magmula nang mapapirma ko sila nung bata, with the Geronimo family, I always took the side of Mommy Divine kapag may problema sa personal. Kasi sa personal iba naman sa business,”

‘Immortal love?’ Enrile at misis nagdiwang ng 67th wedding anniversary

“Kasi sa business naman, ibinigay naman talaga nila Mommy Divine ang pagdiskarte sa akin sa anak nila. So, pagdating sa personal—like having a boyfriend o kung sino—di ko na pinapakialaman.” aniya.

Halos magdadalawang dekada na si Sarah sa Viva Artists Agency.

“Pero nung dumating yung time na si Sarah nakita kong talagang in love kay Matteo, and then ayaw pa rin siyempre ng pamilya, then eventually, I took the side of Sarah,” ayon kay Boss Vic, “Siyempre, sumama yung loob sa akin ng pamilya. But tingin ko, yun yung tama. Di ba, nasa tamang edad? Kaya nung nag-asawa siya, sinuportahan ko siya. And up to now, sinusuportahan ko.”

“Pero siyempre, may problema pa rin sila ng kanyang ano… But I think she’s happy, very happy now.”

Matatandaan na walong taon na magkarelasyon sina Matteo at Sarah. Sinurpresa nila ang kanilang mga fans noong 2019 nang ianunsyo nila ang kanilang engagement.

Inamin ni Boss Vic na siya mismo ay hindi suportado sa dalawa.

“Nung talagang gusto na niya… Oo, nung malapit na sila ikasal… One year before that, I was supporting the relationship na in a way na parang kontra na rin ako dun sa… Kasi, di ba, at a certain point, nakikita kong mahal na mahal nung isa… Yung happiness niya nandun, e.”

Sa katunayan, binalikan niya ang "great awayan" na nangyari noong secret wedding nina Matteo at Sarah noong Pebrero 2020.

“And when she (Sarah) took the chance to elope or get married, dun sinuportahan ko siya,” paglalahad ni Boss Vic. “Siyempre, I was there, sa ano, the great awayan nila. I was there because I got a call from Matteo, ‘Boss, punta ka na dito.’ So, nandun ako.”

“I really have to take the side of Sarah. Sabi ko kay Mommy, ‘Pasensya na kayo pero this time, suportahan ko kung ano decision ni Sarah.'"

Hangad lamang ngayon ni Boss Vic na maging maayos na ang lahat sa pagitan ng tatlo.

“Sana maayos. Hindi pa siya ayos, pero sana maayos sila.”

Samantala, sinabi ni Boss Vic na magbabalik showbiz si Sarah sa 2022 matapos ang dalawang taong pagpapahinga.