Bukod sa pagiging isang politiko, isa rin palang 'artista' si Senadora Imee R. Marcos.

Hindi lamang sa mundo ng politika pumalaot si Imee kundi maging sa mundo ng showbiz. Kamakailan lamang ay naging viral sa TikTok ang video clip ng sagutang eksena nila ni Rosanna Roces, at kitang-kita ang pakikipagsabayan ng aktingan ng senadora.

Ang naturang video clip ay mula sa 1996 drama anthology na 'GMA Telesine Specials' kung saan gumanap siya bilang abogado na karakter ni Osang, na nagahasa sa kabila ng kaniyang trabaho bilang dancer sa club. Pinamagatan itong 'Tinimbang na Dangal'.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Rosanna Roces at Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Imee Marcos (Screengrab mula sa YT/GMA Telesine Specials)

Ngunit bukod dito, talagang noon pa man ay aktibo na ang senadora sa mundo ng showbiz.

Mula 1979 hanggang 1986, siya ay naging consultant to the minister ng National Media Production Center sa Quezon City. Mula 1981 hanggang 1986 naman, siya ang naging director general ng Experimental Cinema of the Philippines (ECP) na itinatag ng pamahalaan, upang i-promote ang paglago at pagpapaunlad ng local films.

Sa ilalim ng ECP naiprodus ang mga award-winning classic Filipino movies gaya ng' Oro Plata Mata' ni Peque Gallaga, 'Himala' ni Ishmael Bernal, 'Soltero' ni Pio De Castro, 'Misteryo sa Tuwa' ni Uro de la Cruz, at 'Isla' ni Celso Ad Castillo.

Siya umano ay naging co-producer ng mga pelikulang 'The Boatman,' 'Brutal', at 'Scorpio Nights', subalit hindi kasama sa inilabas na listahan ng mga producers at co-producers ang kaniyang pangalan.

Sa panahon ng 1980s kung saan bumagsak ang ekonomiya ng Pilipinas, napilitan ang ECP na magpalabas ng mga pelikulang bold o tinatawag na 'Bomba'.

Noong 2010, siya ang nagprodus ng pelikulang 'Donor' na pinagbidahan nina Meryl Soriano at Baron Geisler; at 'Pinta Kasi' nina JM de Guzman at Erich Gonzales, na nanalong Best Picture sa independent category ng 2011 Metro Manila Film Festival.

Pagdating naman sa telebisyon, gumanap siya bilang 'Cynthia' sa sitcom na '1 For 3' kasama sina Vic Sotto, Rosanna Roces, at Ai Ai Delas Alas mula 1994 hanggang 2001, sa GMA Network. Nang magwakas ito noong 2001, pinalitan ito ng 'Daddy Di Do Du'.

Bilang artista, naniniwala rin si Imee na dapat nang pagkalooban ng 'National Artist' award sina Superstar Nora Aunor at Comedy King Dolphy.