Nakapagpiyansa ang aktor na si Tony Labrusca para sa 'act of lasciviousness' case na inihain laban sa kaniya noong Hunyo, ng isang babae na nakasama niya sa isang inuman, noong Enero 18.

Ayon sa abogado ng complainant na si Regie Tongol, inirereklamo ng kaniyang kliyente ang Kapamilya actor dahil sa pamumuwersa nito sa kaniya na ipakita ang kaniyang dibdib at hinihila pa siya umano nito na kumandong sa kaniya. Lasing umano ng mga sandaling iyon si Tony.

“The night was very traumatic to my clients as it is their first time to be victimized like this, especially unexpected from one of the most idolized actors of the country presently. Mr. Labrusca being a public figure and a foreigner must learn not to be abusive of women," wika noon ni Tongol sa panayam sa kaniya ng media.

Alinsunod sa Article 336 ng Revised Penal Code, ang acts of lasciviousness ay maaaring mapatawan ng parusang prision correccional, o pagkakakulong mula 6 na buwan hanggang 6 na taon. Ito naman ay bailable o maaaring mapiyansahan habang dinidinig ang kaso.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Samantala, ang slight physical injury case na isinampa laban kay Tony ay na-dismiss noong Hulyo.

Para sa legal counsel ni Tony na si Joji Alonso, inosente ang kaniyang kliyente at maghahain sila ng motion for reconsideration para sa naturang kaso.

“We shall remain steadfast in vindicating his name, “ aniya.

Samantala, para naman kay Tongol, isang vindication ang desisyon ng Makati Prosecution Office.

“My client together, with all the victims of abuses by public figures such as Tony Labrusca are all happy that the City Prosecutor of Makati City led by Chief Dindo Venturanza had found probable cause to file criminal charges against him for acts of lasciviousness," aniya.