Naniniwala ang Makabayan bloc sa Kamara sa pangunguna ni House Deputy Minority Leader at Bayan Muna Rep. Carlos Isagani Zarate, na kapag natuloy ang pagtakbo ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang katambal ni Senator Bong Go sa 2022 national elections, panibagong patotoo umano ito na ginagawang katatawanan at kalokohan ng mga traditional politicians (trapos) ang sistema ng halalan sa bansa.

Maliwanag aniya na pagmamaniobra sa sistemang pulitikal sa bansa ang ginagawa ng mga traposat ng kanilang mga kaalyado.

“At the surface, this is indicative of still unresolved rifts or divisions among the various pro-Duterte or pro-administration camp, or signs that there are deals and compromises that are yet to be consummated,” paliwanag pa ng kongresista.

Bert de Guzman

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20