Nadagdagan pa ng tatlong milyong doses ng Sinovac vaccine ang suplay ng bakuna sa Pilipinas, ayon kay National Task Force (NTF) Against COVID-19 sub-task group on current operations chief, Assistant Secretary Wilben Mayor.

Aniya, ang karagdagang suplay ng bakuna na nagmula pa sa China ay dumating sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA)-Terminal 2 sakay ng Philippine Airlines flight PR361 nitong Miyerkules, dakong 11:15 ng umaga.

Dahil dito, aabot na sa117 milyong doses ng bakuna ang suplay ng bansa sa kasalukuyan.

“We encourage the local government units (LGUs) to speed up their vaccination rate sothat majorityof our countrymen will be vaccinated before December,” ayon kay Mayor.

National

PISTON at Manibela, may transport strike ulit!

Idinagdag pa ng opisyal na target ng pamahalaan namabakunahanang 50 porsyento hanggang 80 porsyento ng 110 kabuuang populasyon ng bansa pagsapit ng Pebrero ng susunod na taon upang matiyak na ligtas ang idaraos na halalan sa Mayo 2022.

Martin Sadongdong