Mula sa pagiging kasangga ni Carlo Dalisay ay isa na sa mga direktor ng 'FPJ's Ang Probinsyano ng ABS-CBN ang Kapamilya actor-director na si John Prats.

Galing na mismo sa Instagram post ng Dreamscape Entertainment nitong Martes, Nobyembre 9, ang pag-anunsyo tungkol dito, kasabay ng pag-welcome kay Megastar Sharon Cuneta bilang pinakabagong cast member ng naturang longest-running teleserye ng ABS-CBN, at sa buong Pilipinas.

Sa katunayan, isa si Pratty sa mga sumalubong kay Megastar para sa kanilang story conference.

Bukod kay Coco Martin at John Prats, kabilang sa mga direktor ng serye ay sina Albert Langitan, Kevin de Vela, at Malu Sevilla.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Ibinahagi ni John ang saya na maging isa sa mga aktor at ngayon ay direktor na ng 'FPJ's Ang Probinsyano'. Hindi raw niya akalain na mapapabilang siya sa hanay ng mga de-kalibreng direktor ng Kapamilya Network.

"This is big! Never ko na-imagine sa tanang buhay ko na mapabilang kasama ang mga mahuhusay na director ng ABS-CBN. Thank you Lord God. Salamat Direk CM sa tiwala at sa paggabay. Thank you Tita Cory (Vidanes), Direk Lauren (Dyogi) and Sir Deo (Endrinal) and sa @dreamscapeph family for this opportunity na habang buhay kong ipagpapasalamat," aniya.

Sharon Cuneta at John Prats (Larawan mula sa IG/John Prats)

"Napakalaki ng cast! Nakakalula, ngayon lang yata ako naka-experience na maging bahagi ng isang programa na napakaraming bituin! Enjoy mga Kapamilya," dagdag pa nito.

Nitong Miyerkules naman, may panibagong Instagram post si John na kuha sa set ng serye.

"I want to thank also the people behind the camera na tumulong and sumuporta sa amin. Sa mga camera men na malulupit at sa mga crew at sa lahat ng staff and producers! Salamat" aniya.

"Salamat din sa mga co-actors ko na sumuporta. Love you all," dagdag ng pa ng aktor.

Sharon Cuneta at John Prats (Larawan mula sa IG/John Prats)

Bukod sa FPJ's Ang Probinsyano, kabilang din sa mga idinederehe ni John Prats ang 'Reina ng Tahanan' segment sa 'It's Showtime'. Hindi pa malinaw kung mananatili ba siyang direktor nito dahil nga sa bigat ng tungkulin niyang maging direktor ng FPJ's AP na kailangang may naibibigay na panoorin gabi-gabi sa Primetime Bida ng ABS-CBN.