DAVAO CITY -- Inanunsyo ni Davao City Mayor at presidential daughter Sara Duterte-Carpio nitong Martes, Nobyembre 9, ang kanyang pag-atras sa muling pagtakbo bilang alkalde ng Davao City sa 2022 elections, umusbong naman umano ang usaping tatakbo siya sa isang national post.

Inihayag ito ni Mayor Sara ilang oras matapos i-withdraw ng kanyang kapatid na si Vice Mayor Sebastian "Baste" Duterte ang kanyang kandidatura sa pagkabise alkalde sa Davao City.

Sa isang Facebook post, sinabi ng alkalde na naghain siya ng withdrawal bilang kandidato ng Davao City at si Vice Mayor Baste ang magiging kanyang substitute, habang si Melchor Quitain Jr. naman ang papalit bilang kandidato sa pagka-vice mayor.

“Ngayong hapon wini-withdraw ko ang aking kandidatura sa pagka-Mayor ng Davao City. Si VM Baste ang papalit sa akin. Si Atty. Melchor Quitain ang nominado namin sa pagka-Bise Alkalde. Ito lamang po muna. Maraming salamat po,” ani mayor.

Probinsya

6 dayuhang nagsasagawa ng medical mission sa Leyte, ninakawan!

Matatandaang naghain ng certificate of candidacy (COC) sa pagka-alkalde si Mayor Sara noong Oktubre 2, habang Oktubre 3 naman si Vice Mayor Baste.