Nagpositibo sa coronavirus disease 2019 (COVID-19) ang lider ng Communist Party of the Philippines-New People's Army na si Jorge Madlos, alyas "Ka Oris."

Ito ang kinumpirma ng Philippine Army-4th Infantry Division matapos lumabas ang resulta ng Reverse Transcription-Polymerase Chain Reaction (RT-PCR) test na isinagawa ng Philippine Red Cross.

Nilinaw ng militar, kaagad na isinagawa ang pagsusuri kay Madlos saSitio Gabunan, Brgy Dumalaguing, Impasugong, Bukidnon kung saan naganap ang sagupaan nitong Oktubre 30.

Bukod kay Madlos, nagpositibo rin sa virus medic nito na si Eighfel Dela Peña, alyas Pika/Maui na napatay din sa engkuwentro sa pagitan ng grupo ng mga ito at ng militar.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Kaagad ding na-cremate ang labi nina Madlos atPeña upang hindi na sila makahawa pa ng sakit.