Kakailangin ng gobyerno ang aabot sa ₱18 bilyon upang mabigyan ng internet allowance ang mga guro sa mga pampublikong paaralan sa bansa.

Ito ang inihayag ng Department of Education (DepEd) nitong Miyerkules at sinabing ipinaalam na nila saCommission on Audit (COA) at sa Department of Budget and Management (DBM) noong 2020 ang posibilidad na pagbibigay ng cash na internet allowance sa mga government teachers at ito ay aabutin ng natukoy na halaga.

Kamakailan, hiniling ng grupo ng mga guro, katulad ngAlliance of Concerned Teachers (ACT) na bigyan sila ng₱1,500 buwanang internet allowance upang madagdagan ang kanilang pondo sa gitna ng patuloy na pagpapatupad ng blended learning dulot ng pandemya.

Gayunman, inihayag ng DepEd na "walang umiiral na legal basis at pondo" para sa nasabing internet o connectivity allowance.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Nilinaw ng DepEd na batay sa Circular No. 2013-003 ng Commission on Audit (COA), na "ang lahat ng pagbabayad nang walang legal na batayan ay hindi pinalulusot sa audit" ng komisyon.

Sa kabila nito, inihayag ng DepEd na gumagawa pa rin sila ng paraan, kasama ang mga ahensyang may kinalaman sa usapin upang mabigyan ng kahalintulad na suporta ang mga guro.

Merlina Malipot