Walang nasaktan o nadamay na Pinoy sa insidente ng pananaksak sa isang underground train line sa Tokyo na ikinasugat ng 17 na pasahero nitong Oktubre 31, ayon sa Philippine Embassy sa Japan.

"Sa kabutihang palad, wala namang Pilipino na napaulat na na-injure," paliwanag ni Philippine Deputy Chief of Mission to Japan Robespierre Bolivar sa isang television interview.

Ayon kay Bolivar, isang lalaking nagdamit ng katulad ng kay Joker na kaaway ng superhero na si Batman, ang bigla na lamang nagwasiwas ng kutsilyo sa mga pasahero na nagtakbuhan palabas ng tren.

Naiulat na sinunog pa ng suspek ang bahagi ng bagon bago ito inaresto ng mga awtoridad.

Internasyonal

Mga motorista sa China, ‘naulanan’ ng dumi ng tao mula sa isang sumabog na pipeline

Nasa kustodiya na ng pulisya ang hindi pa nakikilalang suspek na nahaharap sa patung-patong na kaso.