Kasalukuyang number forty-nine trending for music ang music video ng kantang “Wait For Me” ni Nadine Lustre.

Nitong Biyernes, Oktubre 29, nilabas ni Nadine ang kanyang latest single “Wait for Me” sa ilalim pa rin ng record label na co-owned ng ex-boyfriend niyang si James Reid.

Sa black and white music video ng kanta, daring ang ilan sa wardrobe ni Nadine.

Sa credits ng kanta, ibinahagi nag kabuuang tema ng kanta.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

“’Wait for Me’ is Nadine letting go of her inhibitions to face her emotions and realizations head on. This track cuts through the ambiguous as it directly tackles the real-life experience of separating from a lover and introspects on what it means to forge her own path.”

Si Dominic Bekaert ng Zoopraxi Studios ang pasimuno sa panibagong visual treat sa MV ng kanta. Ang disenyong black and white ay tumutukoy umano sa tunay na emosyon ni Nadine para lalong buhayin ang lungkot at pagsisisi sa istorya ng kanta.

Kasalukuyang nasa 67,676 na ang views ng MV halos isang araw matapos ito ilabas sa publiko.