Nagsimula na ang taping ng seryeng 'Hello, Heart' na pagbibidahan nina Gerald Anderson at singer na si Gigi de Lana, na sumikat dahil sa kaniyang mga cover songs sa YouTube, at paggawa ng 'Bakit Nga Ba Mahal Kita' challenge, na ngayon ay isang certified Kapamilya na.

Inamin ni De Lana na kinabahan siya at nakaramdam ng 'starstruck' kay Gerald, na dati lamang ay napapanood niya sa telebisyon at pelikula.

“Noong narinig ko yung offer na magkakaroon ako ng serye, nagulat ako. Totoo ba 'to? Sa puso ko excited, kabado. First time ko eh. Ang partner ko pa Gerald, ang tagal na nito. Mai-intimidate ako kahit di ko pa siya nakikita,” aniya.

“Kinabahan ako. Paano kaya 'to? Seryoso kaya ito? Pero ipinakita ko pa rin yung totoong ako. Yung tawa ko pinakita ko na, yung kakulitan ko pinakita ko na.”

Relasyon at Hiwalayan

Kobe Paras, naka-three point shot na ba sa puso ni Kyline Alcantara?

Ayon naman kay Gerald, masarap umanong kausap si Gigi dahil kikay ito. Enjoy rin umano siya habang kausap ito.

Nang tanungin naman ang aktor kung ano ang maipapayo niya kay Gigi gayong matagal na rin naman siya sa industriya at may parangal na ring natanggap:

“Enjoy. Pace yourself. Kailangan mo ng stamina sa trabahong ito. Meron pa tayong 3 days then rest then 4 days ulit. So stamina physically and emotionally. Ako ang coach mo,” tugon ni Gerald.

Kailangan din umano ni Gigi na mag-workout tulad niya ngunit batid din niya na mahirap kumuha ng momentum sa pag-eehersisyo.

Para naman kay Gigi, kakaibang learnings ang nakuha niya sa paggawa ng teleseryeng ito, dahil una nga siyang nakilala sa larangan ng pag-awit.

"More learnings talaga sa genre na ito. More patience din sa sarili ko. Kanina gusto ko na sampalin yung sarili ko kasi parang 'di ko siya nagagawa. Kailangan ko pa mag-focus. Tiwala sa lahat ng nakakasama ko. Mas ibigay ko pa yung mas nararapat sa role ko,” ani Gigi.

Samantala, wala pang malinaw na petsa kung kailan lalabas sa iQiyi ang nasabing serye.