Target ng pamahalaan na maturukan ng bakuna laban sa COVID-19 ang 80% o 9.6 milyon ng 12 milyong kabataan sa bansa bago matapos ang taong ito.

Ayon kay Department of Health (DOH) Undersecretary Myrna Cabotaje, layunin ng pagpapalawak sa pediatric vaccination na mahikayat ang iba pang miyembro ng pamilya na magpabakuna na rin at mapataas din ang kumpiyansa sa pagbabalik ng face-to-face classes sa bansa.

"We are hoping that with children's vaccination ay i-increase ang pagbabakuna ng ating mga lolo, mga lola, mga A2 (senior citizen). Initially may feeling na 'Wag na kami mga anak na lang namin,'" ani Cabotaje.

"Now that the children are okay, baka maengganyo rin ang buong pamilya magpabakuna," aniya pa.

National

OVP, nagpaliwanag hinggil sa 'casual meeting' nina VP Sara at Ex-VP Leni sa Naga

"Minamadali na po ang pagbubukas ng face-to-face classes. Ang 12 to 17 (years old) ay part of K-12 and college, it will also build confidence na pwede nang mag-face-to-face classes ang mga nabakunahan na bata," dagdag pa niya.

Ang pediatric vaccination para sa 12-17 taong gulang na kabataan ay nakatakda nang simulan ng pamahalaan sa Nobyembre 3 sa National Capital Region (NCR) habang ang national rollout naman ay sa Nobyembre 5.

Maaari na rin naman aniyang magsimula sa pagbabakuna ng mga kabataan ang mga lugar na handa na para dito.

"Based on readiness of certain areas pwede na rin mag-start sa ibang areas. Kung confident na sila pwede na sila mag-start ng Nov. 3," aniya pa.

Mary Ann Santiago