Umaabot na lamang ngayon sa mahigit 50,000 ang mga aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa at mahigit sa 3,000 naman ang naitalang bagong kaso ng coronavirus disease 2019 (COVID-19) nitong Miyerkules, ayon sa Department of Health (DOH).

Sa pahayag ng DOH, umabot na lamang sa3,218 ang bagong kaso ng sakit nitong Miyerkules, base sa case bulletin #592 na inilabas nito dakong 4:00 ng hapon.

Dahil sa mga bagong kaso ng sakit ay umaabot na sa ngayon sa 2,768,849 ang total COVID-19 cases sa Pilipinas.

Sa naturang kabuuang bilang, 50,152 na lamang ang aktibong kaso o 1.8% ng total cases.

National

Guanzon, tinanong sino si Ben Tulfo: 'What has he done for the country?'

Anang DOH, sa mga nagpapagaling pa sa karamdaman, 73.4% ang nakakaranas ng mild cases, 11.02% ang moderate, 6.8% ang asymptomatic, 6.2% ang severe at 2.6% ang kritikal.

Nakapagtala rin ang DOH ng 6,660 bagong gumaling sa karamdaman kaya’t sa kabuuan, umaabot na sa 2,676,349 ang total COVID-19 recoveries sa bansa o 96.7% ng total cases.

Mayroon din 271 pasyente na binawian ng buhay dahil sa kumplikasyon ng COVID-19.

Sa ngayon, ang Pilipinas ay mayroon nang kabuuang 42,348 COVID-19 deaths o 1.53% ng total cases.

Mary Ann Santiago