Ibinahagi ni Pinoy Big Brother o PBB: Otso Big Winner na engaged na sila ng kaniyang non-showbiz girlfriend na si Elaine.

Makikita sa kaniyang Instagram post ang litrato at video ng kaniyang pagluhod sa harapan ng kaniyang fiancee, at paghingi ng kamay nito upang maging kabiyak ng dibdin, sa pamamagitan ng engagement ring.

Saad sa caption: "Alam kong immune ka na sa mga surprises ko sa 'yo dati at gusto kong maiba naman kaya dinala kita mismo sa store kung saan tatanungin kita ng 'Papayag ka ba na maging asawa ko?”

Biro pa ni Yamyam sa isa pang Instagram post, "Kung sinabi mong NO andali ko lang isauli singsing na binili ko."

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Yamyam Gucong at Elaine (Larawan mula sa IG)

Ayon kay Yamyam, 5 taon na silang magjowa ni Elaine. Kakaiba ang naging love story nila dahil nagkakilala sila sa hindi inaasahang pagkakataon, lugar, at sitwasyon. Nagkrus ang mga landas nila sa evacuation center sa kanilang bayan matapos magkaroon ng malakas na lindol sa Bohol noong 2013.

Nagpaabot naman ng pagbati ang mga naging housemates niya sa PBB, lalo na ang mga nakasama niya sa Big Four na sina Andre Brouillette, Lou Yanong, at ang matalik na kaibigan at spiritual brother na si Fumiya Sankai. Nariyan din ang isa sa mga housemate na si Kiara Takahashi.

Nagpaabot din ng pagbati ang ilang mga celebrities gaya nina Melai Cantiveros (na Big Winner din sa PBB bago naging artista at TV host), Ritz Azul, Joross Gamboa, at Maymay Entrata (isa ring PBB Big Winner).