Pinaghahandaan na ng National Collegiate Athletic Association (NCAA) ang posibleng pagdaraos ng face-to-face competitions sa pagbubukas ng Season 97 ng liga sa susunod na taon.

Ayon kay NCAA Management Committee chairman Dax Castellano ng season host College of Saint Benilde inumpisahan na sila sa ManCom ang planning sessions para sa darating na season na balak nilang simulan ng maaga sa 2022.

"We're on the right track. After the resumption of training, with all the approval and analysis and safety protocols, maybe soon or coming next year, we'll see players and athletes live," pahayag ni Castellano sa isang television interview.

Gayunman, nilinaw ng pamunuan ng liga at ng mga opisyal ng kanilang broadcast partner na GMA Network ay prayoridad pa rin ang kalusugan at kaligtasan ng kanilang mga student-athletes.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Gayunman, bago ang lahat, kinakailangan ng NCAA ng pahintulot ng league policy board members, Commission on Higher Education (CHEd) at ng Inter-Agency Task Force upang makapagdaos ng face-to-face games.

Marivic Awitan