April 16, 2026

Home BALITA National

‘Social media ban’ para sa mga menor de edad, panukala ni Rep. Villanueva

‘Social media ban’ para sa mga menor de edad, panukala ni Rep. Villanueva
Photo courtesy: CIBAC Party-List (FB), Unsplash

Ipinanukala ni Citizens' Battle Against Corruption (CIBAC) Partylist Rep. Eddie Villanueva sa Kamara nitong Martes, Marso 10, ang pagbabawal sa kabataang edad 16 pababa na gumamit ng social media. 

Base sa inilabas na pahayag ng CIBAC partylist, layon ng ang House Bill No. 8262 o ang “Social Media Protection for Minors Act” matugunan ang umano’y negatibong epekto ng social media sa mental health, kaligtasan, at developmental wellbeing ng bataan. 

“Protecting minors from unfiltered and harmful social media exposure is a moral and national responsibility. The unchecked impact of social media on young people–seen in addiction, exposure to sexual and violent content, exploitation, and identity confusion — poses long-term dangers not only to individual well-being but also to social cohesion and civic life.” saad ni Villanueva sa nasabing pahayag. 

Sa kaugnay na ulat, una nang inilunsad sa bansang Australia ang social media ban sa mga menor de edad noong Disyembre 2025.

MAKI-BALITA: Mga menor de edad, ‘banned’ na sa social media simula Disyembre 10

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

Sinundan ito ng mga bansang France at Spain, habang ang Malaysia ay nagpapahayag na rin ng kanilang implementasyon ng ban.

Ang bansang Indonesia naman ay nakatakdang isaakto ang kanilang social media ban sa mga menor de edad sa darating ng Sabado, Marso 28.