April 16, 2026

Home BALITA National

Patutsada ni Jack Argota kina Rep. De Lima, Fr. Flavie: 'Nagkakantunan ba kayong dalawa?'

Patutsada ni Jack Argota kina Rep. De Lima, Fr. Flavie: 'Nagkakantunan ba kayong dalawa?'
Photo courtesy: Sir Jack Argota (FB)/John Louie Abrina (MB)

Umani ng reaksiyon sa social media ang banat na social media post ng social media personality na si Jack Argota laban kina Mamamayang Liberal (ML) partylist Rep. Leila de Lima at 2025 Ramon Magsaysay Award awardee na si Fr. Flavie Villanueva, matapos magsampa ang dalawa ng kasong cyber libel laban sa 18 nagpakilalang dating miyembro ng Philippine Marines at sa kanilang abogado na si Atty. Levito “Levi” Baligod noong Lunes, Marso 9, 2026.

Sa isang post sa verified Facebook account ni Argota noong Lunes, Marso 9, tahasang kinuwestiyon ni Argota ang pagiging magkasama raw lagi nina De Lima at Villanueva, at nagbitiw ng mga kontrobersyal na pahayag laban sa dalawa.

"Kame nagdududa na sainyong dalawa Layla 'Sabah' Delima at Pader 'SaIsaI' Flavie ha? Bakit palagi kayo magkasama? Nagƙaƙantunan ba kayong dalawa?" aniya.

Photo courtesy: Screenshots from Sir Jack Argota/FB

Nagpatuloy pa ang social media personality sa kaniyang mga banat laban sa dalawa, na makikita sa comment section ng mismong post.

National

Libreng sakay para sa solo parents, aarangkada hanggang Abril 18

“Perfect combi ha, yung isa mahilig mag saIsaI yung isa mahilig sumuɓọ ng sabah,” dagdag pa niya.

Sa isa pang comment post, hinikayat pa ni Argota ang dalawa na kasuhan siya.

“Isang saIsaIeṛọng ɓuma ɓataƙ at isang proteƙtor ng ḍṛaģs na mahilig sa sabah. Merfect! Kasuhan nyoko pader ‘saIsaI’ Flavie at layla ‘sabah’ delima para mamura ko kayo ng personal nyahaha!” aniya.

Photo courtesy: Screenshots from Sir Jack Argota/FB

Nag-ugat ang reklamo ni De Lima matapos mabanggit ang pangalan niya bilang umano'y isa sa mga opisyal na nabanggit sa isinapublikong joint affidavit ng 18 ex-marines na tumanggap umano ng mga male-maletang pera at paper bag na naglalaman ng salapi mula sa pondo ng pamahalaan noon.

Dagdag pa rito, sinabi rin ni Baligod mula sa joint affidavit ng 18 ex-marines na galing daw kay dating Ako Bicol Partylist Rep. Zaldy Co ang lahat ng naging gastos ni Fr. Villanueva para sa mga biktima at pamilya ng extrajudicial killings (EJK) na nasa kaniyang Bahay Kalinga.

Habang isinusulat ito, wala pang inilalabas na pahayag sina De Lima at Villanueva kaugnay ng mga naging komento ni Argota.

Maki-Balita: Rep. De Lima, Fr. Flavie Villanueva nagsampa ng kaso sa NBI vs 18 ex-marines!