Nanawagan angDepartment of Justice (DOJ) sa mga testigo lumantad na upang mausig ang 154 pulis na isinasangkot sa umano'y iligal na 542-anti-drug operations na nagresulta sa pagkamatay ng 56 katao ilang taon na ang nakararaan.

Inilabas ng DOJ ang apela matapos nilang isapubliko nitong Miyerkules "ang mga impormasyon kaugnay ng pagkamatay" ng mga biktima sa nasabing ng drug operation.

“These cases are to undergo further investigation and case buildup by the National Bureau of Investigation (NBI) for the possible filing of criminal charges against erring police officers,” ayon sa DOJ.

Umaapela ang DOJ sa mga testigo na mayfirst-hand information na lumantad na at lumapit sa National Bureau of Investigation (NBI) upang makunan sila ng sinumpaang pahayag.

National

Alice Guo, ililipat sa Pasig City jail kaugnay ng kasong qualified trafficking

Ayon sa DOJ, ang pagpapalabas nila ng impormasyon kaugnay ng 52 na kaso ng pamamaslang ay upang maipabatid sa pamilya ng mga napatay na gumagawa pa rin sila ng aksyon upang masampahan ng kaso ang mga pulis na idinadawit sa kaso.

Matatandaangisinumite ngPhilippine National Police-Internal Affairs Service (PNP-IAS) ang rekord ng 52 cases sa DOJ upang mapag-aralan matapos na matuklasan sa imbestigasyon na nagkaroon ng pananagutan ang mga pulis na kasama sa drug operations sa kasong administratibo.

Jeffrey Damicog