CAMP OLA, Albay - Patay ang ang dalawang pulis nang barilin ng isang umano'y sabog sa iligal na droga na napatay din ng mga pulis nang tangkaing arestuhin sa Barangay Sabang, Naga City, nitong Sabado ng gabi.

Sa report na natanggap ni  Police Regional Office 5 (PRO-5) spokesperson  Major Malu Calubaquib, nauna nang napatay ng suspek na si Jericho Cano, pedicab driver, taga-Zone 3, Spokoi, Brgy. Sabang, ang naka-duty na si Chief Master Sergeant Romeo Padua, nakatalaga sa Naga City Police Station-5, sa Caceres St. sa Brgy. Dinaga, dakong 6:30 ng gabi.

Pagkatapos ng insidente, agad na nagsagawa ng hot pursuit operation ang mga pulis sa ikaaaresto ni Cano.

Nang mamataan ng grupo ni Corporal Christian Del Valle si Cano sa Brgy. Tabuco ay pinakiusapan ito na sumuko, gayunman, pinaputukan umano nito ang mga pulis, gamit ang service firearm ng napatay niya na si Padua, na ikinamatay ng pulis (del Valle), dakong 7:00 ng gabi.

Probinsya

Babaeng sumagip ng naaksidenteng aso, patay sa bundol ng van

Pagkatapos ng ikalawang insidente ay tumakas ang suspek hanggang sa matiyempuhan ito ng mga awtoridad sa Sabang, dakong 7:40 ng gabi.

Sa halip na sumuko, nakipagbarilan pa umano ang suspek hanggang sa bumulagta ito.

Sa pahayag ng pamilya ni Cano, ilang araw nang natataranta ang suspek bago maganap ang insidente.

Sa rekord naman ng pulisya, kabilang si Cano sa illegal drugs watchlist at dati rin itong nakulong sa kasong robbery.

Niño Luces