Laking pagsisisi ng isang lalaki na nasita sa hindi pagsusuot ng face mask nang dakpin ito ng pulisya matapos mahulihan ng₱340,000halaga ng ipinagbabawal na gamot saParañaque City, nitong Oktubre 14.

Idiniretso sa selda ang suspek na nakilalang si Angelo Bartolay, 32, at taga-nasabing lungsod.

Naiulat ng mga pulis ang suspek dahil sa hindi pagsusuot ng face mask saIpil site, Delarama Compound, Brgy. BF Homes, dakong 6:20 ng gabi.

Tinangka pa umanong tumakas ng suspek, gayunman, naaresto pa rin ito at nasamsam sa kanyang backpack ang naturang iligal na droga. Inihahanda na ang kaso laban sa suspek.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Bella Gamotea