Kumusta na nga ba ang Kapuso actress na si LJ Reyes pagkatapos ng kontrobersyal na hiwalayan nila ng dating karelasyon na si Paolo Contis?

Mahigit isang buwan na ring nasa New York, USA si LJ mula ng mag-alsa balutan kasama ang dalawa niyang anak. Matatandaang naging emosyonal si LJ noong Sept. 1 sa interview sa kanya ng King of Talk na si Boy Abunda sa hiwalayan nila ni Paolo.

Nabanggit niya kung ano ang magiging plano after what happened. Aniya wala pa raw concrete plans ang aktres basta ang priority niya is all about the kids. Wala pa nga raw definite kung mananatili sila sa Amerika o babalik sa Pinas.

Pero sa panayam kay LJ ng Chika Minute ng "24 Oras", maaliwas at nakangiti nitong sinagot ang ilang mga katanungan. Mukhang nakaka-recover na nga siya sa nadismayang relasyon.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Kumusta naman ang mga kids ni LJ? Sabi niya, "They are adjusting very well. Aki goes to face-to-face class here. Para naman ma-experience niya ang normal na buhay ulit."

Busy daw si LJ sa training ng kanilang family restaurant sa Brooklyn na malamang magiging kabahagi ng kanilang negosyo. Okay naman daw ang kanilang kalagayan doon kahit na wala pang long term plans. Sa kanyang pinagdadaanan, nariyan naman daw ang kanyang pamilya na naka-all the way support.

Natutuwa rin daw si LJ sa nakikita niyang moral support sa kanya ng mga Filipino community doon na hindi nag-uusisa sa kanyang personal life, bagkus masaya silang makita siya.

Bagama't nagmomove on na si LJ, ang tanong, nakapagpatawad na ba ang kanyang puso? Sey niya, "Ang forgiveness is a work in progress you know. Hindi siya madaling ibigay ang forgiveness, di ba?

"I mean lahat naman tayo, we get hurt, we get angry you know but you work on it. Every day to forgive people, to forgive yourself, or whoever. You pray about it.

"For me, hindi siya madaling bagay na ibigay. So surrender lang talaga kay God and I'm working on it."