BAGUIO CITY – Patay na ang dalawang bata matapos silang mahugot sa makapal na putik na gumuho sa kanilang bahay sa Marosan Alley, Barangay Dominacan-Mirador ng lungsod, nitong Miyerkules ng umaga.
Kinilala ng mga awtoridad ang dalawa na sina Thalia CasideOcampo,4 at Judy Rose Tulipas, 12, kapwa taga-nasabing lugar.
Narekober ang bangkay nina Ocampo at Tulipas sa isinagawang search and rescue operations ng mga tauhan ng ng City Disaster Risk Reduction and Management Office, Bureau of Fire-Cordillera, Baguio City Police Office; Philippine Army reservists; Regional Mobile Force Battalion 15; at Phil. Navy reservists.
Nitong Lunes ng gabi habang bumabayo ang bagyong Maring ay naiulat na natabunan ng bahagi ng gumuhong bundok ang bahay ng dalawa kung saan din nakatira ang kanilang lolo na si Alfredo Ocampo, 49.
Naiulat na nauna nang natagpuan sa pinangyarihan ng pagguho ang bangkay ni Ocampo, nitong nakaraang Martes.
Zaldy Comanda