Tinatayang aabot sa 400 gramo ng pinaghihinalaang illegal drugs na nagkakahalaga ng₱2,720,000 ang nasamsam sa apat na umano'y big-time na drug pusher sa ikinasang buy-bust operation sa Pasay City, nitong Lunes ng hapon.

Under custody na ng pulisya ang mga suspek na sinaRohamen Guialal Usman, 24, taga-Crossing Simulay, Sultan Kudarat, Maguindanao;Salik Rowel Gomez, 33, taga-Airport Road;Joemar Layan Balawag; 27,taga-Purok Buliao, Brgy. Poblacion, Cotabato City; atSheikh Abdulrauf Guialani, 18, at taga-Purok Buliao II, Brgy. Mother, Cotabato City.

Sa inisyal na ulat niPat Francisco CAlura, may hawak ng kaso ng Pasay City Police, dinampot ng mga awtoridad ang apat sa Seaside, Mall of Asia (MOA), dakong 3:00 ng hapon.

Nasamsaman sa mga ito ang nasabing halaga ng iligal na droga, drug paraphernalias at mga personal na gamit.

Metro

Magpinsang paslit nagkayayaang maligo sa lawa, nalunod

Inihahanda na ang kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 laban sa mga suspek.

Bella Gamotea