Nagharap na rin ng certificate of candidacy sina Senator Panfilo Lacson at Vicente Sotto III para sa idaraos na 2022 national elections.

Si Lacson ay tatakbo sa pagka-presidente habang si Sotto ay kakandidato sa pagka-bise presidente, ayon na rin sa kanilang inihaing kandidatura sa Commission on Elections (Comelec) sa Sofitel Tent sa Pasay City, nitong Miyerkules.

Sina Lacson at Sotto ay suportado ng Partido para sa Demokratikong Reporma party (Partido Reporma) matapos nilang isapubliko ang kanilang kandidatutra nitong Setyembre 8.

Leslie Ann Aquino

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20