Hashtag lamang, subalit pinag-usapan ng mga Twitter users ang tweet ng bagong Kapamilya actress na si Janine Gutierrez, na palagay nila ay patama sa isang kandidato sa pagka-pangulo, na nag-anunsyo ng kaniyang intensyong pagtakbo nitong Oktubre 5, 2021.
Ang tweet ni Janine na '#NeverAgain', bagama't wala siyang tinukoy na pangalan, ay ipinagpalagay ng mga netizens na patama kay dating senador Ferdinand 'Bongbong' Marcos, Jr. Maaari din umano sa anak ni BBM na si Sandro Marcos na tumatakbo bilang Ilocos Norte representative.
Narito ang ilan sa mga reaksyon at komento ng mga netizens.
"Thank you for using your platform to fight historical revisionism! #NeverAgain indeed!!!"
"Luh? May nag-iingay na namang artistang pinalayas sa network niya hahahaha, manahimik ka na diyan. Ingay pa eh."
"This is what I like more about you Janine. Love love love Kapamilya."
"For sure, Ilocano ang mananalo sa 2022. We love BBM!"
Noong nasa Kapuso Network pa si Janine, pinag-usapan din ang kaniyang cryptic tweet hinggil naman sa muling pagbabalik sa telebisyon ni Senador Ramon 'Bong' Revilla, Jr. matapos ang isyu rito kaugnay ng korapsyon.
"Oh god," aniya sa tweet.
Samantala, matapos ang anunsyo ng pagtakbo ni BBM ay trending sa Twitter ang #BBMIsMyPresident2022 at #MarcosMagnanakaw.
Ang #NeverAgain ay ginagamit na hashtag upang kondenahin ang alaala ng Martial Law at ng Pamilya Marcos.