Pinabulaanan ng broadcaster na si Raffy Tulfo ang mga kumakalat na impormasyon na tatakbo siya sa pagka-bise presidente sa 2022 elections at binigyang-diin na mataas ang kanyang respeto kay Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Tulfo, may mga pulitikong hindi niya pinangalanan, ang nag-alok sa kanya upang maging bise presidente nila sa eleksiyon, gayunman, tinanggihan niya ang mga ito.

“Hindi po ako tatakbo sa pagka-bise presidente sa darating na halalan. Meron naghikayat sa akin na maging ka-tandem nila sa 2022 elections at tinanggihan ko. I said no. Why? Mataas ang respeto ko kay PRRD. Kay Pangulong Duterte,” ani Tulfo.

“Wala po akong intensyon na banggain siya sa darating na halalan,” dagdag pa niya, na ang tinutukoy ay ang plano ni Duterte na tumakbo sa 2022 elections bilang vice president.

National

Paalala ng PWS para sa flu season: 'Do not kiss babies that aren't yours!'

Mary Ann Santiago