Naghain ng panukalang batas ang isang kongresista upang obligahing magpabakuna ang mga karapat-dapat na tatanggap nito.
Inihain ni San Jose Del Monte City, Bulacan Rep. Florida Robes, ang House Bill No. 10249 na kilala bilang An Act Providing for Mandatory Covid-19 Vaccine for All Filipino Citizens Eligible to Receive the Vaccine and Appropriating Funds, para sa sapilitang pagkakaloob ng Covid-19 vaccine sa lahat ng Pinoy at mga naninirahan sa Pilipinas na may karapatang tumanggap ng bakuna.
Sa ilalim ng panukala, lahat ng gastusin para sa Covid-19 vaccine ay tatanggap ng buong suporta mula sa pamahalaan habang papayagan din ang mga pribadong kompanya na bumili ng bakuna basta’t ipamamahagi ito ng libre sa kanilang mga kawani.
Ang mga tatanggi namang magpabakuna ng wala namang matibay na dahilan ay papatawan ng parusang pagkabilanggo ng hanggang 30 na araw o multang aabot sa ₱10,000.00 kapag naisabatas na ang panukala.