Masayang ibinalita ng komedyanteng si Cai Cortez, anak ng beteranong aktor na si Rez Cortez na cancer-free na ang kanyang loving father.

Ipinost ni Cai sa kanyang Instagram account ang magandang balita at pagpapasalamat. Sey niya, "Hi thank you so much sa lahat nang nagdasal at nagtanong kung kumusta na si Daddy. But I'm so happy to announce that Daddy is cancer-free."

Nakangiting pinuri naman ni Rez ang Panginoon sa naging magandang resulta ng kanyang surgery. "Praise the Lord!" ang tangi niyang nasambit.

Matatandaang naoperahan si Rez last September 1 para sa kanyang suspected liver cancer dahil nakitaan ng mass sa parteng 'yun na kinakailangang tanggalin. Inihingi ito ng dasal ni Cai sa mga netizens sa kanyang Instagram.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Nagpasalamat din si Cai sa mga sumuporta at sa mga nag-uupdate sa naging operasyon ng kanyang Daddy Rez at sa mga patuloy pa ring nagdadasal para sa kalagayan ng kanyang ama.

Dante A. Lagana