Itinaas ng Department of Health (DOH) ang Alert Level 4 sa apat na key areas ng Western Visayas Region dahil sa patuloy na pagtaas ng kaso ng COVID-19 cases sa mga lugar.

Kabilang sa Alert level 4 ang Iloilo City, Bacolod City, Iloilo province, at small island province og Guimaras.

Sa datos ng DOH noong Biyernes, Setyembre 17, mayroong mahigit 11,000 active COVID-19 cases sa apat na lugar-- ang Iloilo province ang may pinakamataas ng bilang na 6,334. Sa Iloilo City naman, 2,392; 1,734 sa Bacolod City at 709 sa Guimaras province.

Nakita rin ng DOH sa mga lugar na ito na 70 porsyento na ang nagagamit sa intensive care unit (ICU) habang itinaas sa kritikal ang COVID-19 bed utilization.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Tara Yap