Ilang araw matapos ipahayag nina Senador Panfilo Lacson at Vicente Sotto III ang kanilang layuning kumandidato para sa 2022 elections, nagsimula na sila sa kanilang unang tour sa Visayas nang bisitahin nila ang Bacolod at Negros Occidental nitong Huwebes, Setyembre 16.

Makikipagpulong ang dalawang senador sa mga lokal na opisyal sa pamamagitan ng isang consultative meeting upang talakayin ang sitwasyon ng lungsod at probinsya sa panahon ng pandemya, partikular na sa vaccination rollout.

Sinamahan nina dating Government Service Insurance System (GSIS) President and General Manager Jesus Clint Arana at dating Speaker Pantaleon Alvarez sina Lacson at Sotto na makipagkita sa ilang mamamahayag sa The Ruins sa Talisay City, matapos pumunta sa Iloilo City.

Sa huling datos nitong Setyembre 12, nakapagpabakuna na ng 182,537 na indibidwal ang Bacolod base sa record of the Emergency Operations Center (EOC). Sa naturang bilang, 113,286 ay fully vaccinated.

National

Ikinakasang rally ng INC kontra impeachment kay VP Sara, pinaghahandaan na ng MMDA

Sa isang press briefing, sinabi ni Sotto na nais nilang malaman kung paano nakaaapekto ang budget ng gobyerno sa probinsya.

“We want to touch base in Bacolod, we would want to feel the pulse of the people,” dagdag pa niya.

Kaugnay nito, naniniwala rin sina Lacson at Sotto na makukuha nila ang suporta ni Negros Occidental Governor Eugenio Jose Lacson sa kanilang hangaring tumakbo sa pagka-presidente at pagka-bise presidente, ayon sa pagkakasunod.

Hindi umano nakikipag-usap si Sotto kay Governor Lacson na kapartido nito sa politika.

Inaasahan ng dalawang senador ang pag-endorso sa kanila ng mga top official sa probinsya.

Inihayag din nila na may pag-uusap na sa pagitan ng mga lider ng NPC, Partido Reporma na pinamumunuan ni Senador Lacson, at ng National Unity Party para sa posibleng alyansa, gayunman, hindi na sila nagbigay ng iba pang detalye.

Glazyl Masculino