TARLAC - Arestado ang 11 na umano'y sugarol matapos maaktuhang nagsasabong online sa Barangay Anupul, Bamban kamakailan.
Kabilang sa mga dinakip sina Allan Jay Gomez, 18, taga-Brgy. Lourdes; Elmer Miranda, 62, may-asawa; Dennis Sibal, 41, may-asawa; Alfred Capil, 39, may-asawa; Noel Sain, 58; Fernando Gomez, 51; Arlem Dela Cruz, 18; Jessie Aguilar, 43; at Victor Dela Cruz, 60, pawang taga-Brgy. Anupul.
Sa pahayag ni Bamban Police chief, Maj. Joshua Gonzales, ang nasabing pasugalan ay iligal kaya nila ito sinalakay sa tulong na rin ng mga concerned citizen.
Nahaharap ang mga ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9287 (Online sabong) at Republic Act 11332 (Mandatory Reporting of Notifiable Diseases and Health Events of Public Health Concern Act).
Leandro Alborote