Nagbigay ng reaksyon ang netizens sa naging pahayag ni Kisses Delavin, isa sa mga inaabangang kandidata ng Miss Universe Philippines 2021, na ₱1,000 per day ang ibinibigay na allowance sa kaniya ng mga magulang niya noong nag-aaral pa siya sa kolehiyo, subalit ₱100 lamang ang ginagastos niya at ang tira ay natatabi pa niya.

Sa latest interview sa kaniya ni King of Talk Boy Abunda sa YouTube channel nito, na may pamagat na 'The Purple Chair Interview Presents Kisses Delavin,' labis na pinapahalagahan umani ni Kisses ang perang pinaghihirapan ng kaniyang mga magulang.

"So sina Mommy and Daddy, pinapabaunan ako ng ₱1,000 per day sa La Salle, pero I think I would spend mga ₱100, one week na 'yun, because I always eat at home," aniya.

Blind Item

Content creator, 'di kinaya ugali ng dating Sang'gre sa concert ng BINI: 'Pipi na ba kayo?'

Kisses Delavin (Screenshot mula sa YT/The Boy Abunda Talk Channel)

Boy Abunda (Screenshot mula sa YT/The Boy Abunda Talk Channel)

Salaysay niya, lubhang napakasipag umano ng kaniyang mga negosyanteng magulang, na nagtatrabaho mula Lunes hanggang Biyernes, pati na Sabado at Linggo.

"I don't like to spend money that much because I know how hard it is to earn that money," pahayag pa ni Kisses. Ipinagdiinan niyang hindi naman siya kuripot; sadyang natutuhan lamang niya sa kaniyang mga magulang ang kahalagahan ng tamang paggastos sa perang pinaghirapan at pinagpaguran. Bata pa lamang siya, nasanay na siyang nag-iimpok ng pera. Minsan nga raw, siya pa ang nagdadala nito sa bangko.

Kisses Delavin (Screenshot mula sa YT/The Boy Abunda Talk Channel)

Kisses Delavin (Screenshot mula sa YT/The Boy Abunda Talk Channel)

Marami naman sa netizens ang nagbigay ng kanilang reaksyon hinggil dito, lalo na't nauso ang pahayag na 'Rich kid, ₱150 baon!'

"Ang pagkakaintindi ko sa sinabi ni Kisses is sa ₱1,000 daw if she spends ₱100, 1 week na daw 'yun. Baka naman may separate baon na siya kaya no need make gastos sa food. Kaya kapag gagastos siya, baka para sa school projects niya and other school-related stuff. Sana all!" wika ng isa.

"Mapapa-sana all ka na lang talaga. Ako, 'yang ₱1,000 na 'yan ay baon ko na yata per week. Pero kung ₱100 a day lang ang ginagastos niya, masasabing she is wise in spending the money given by her parents," sabi naman ng isa.

"Of course, it will happen if you have school service or hatid-sundo ng kotse, and have ready snacks in your lunch box, but if not I wonder how you saved your money for ₱100 a week because my kid didn't make it," turan naman ng isa.

Marami pang ibinahagi si Kisses tungkol sa kaniyang sarili sa part-three interview sa kaniya ni Boy. Isa na rito ang pagiging miracle baby niya pala. Dahil dito, sakitin umano siya noong bata pa siya.

Si Kisses Delavin ay Second Placer ng 'Pinoy Big Brother (PBB) Lucky 7' noong 2016, naging artist ng Star Magic at ABS-CBN, hanggang sa lumipat ng talent management at lumabas sa ilang mga shows ng GMA Network noong 2019.

Mukhang handang-handa na si Kisses sa coronation night ng MUP sa darating na Setyembre 25, 2021.