Isa sa mga young singers na talaga namang sikat ngayon at hakot sa fans at followers (at kahit bashers) si Darren Espanto. Matapos ang kaniyang paglahok sa unang season ng 'The Voice Kids-Philippines' noong 2014 kung saan itinanghal siyang first runner up, nagtuloy-tuloy na ang pagpasok niya sa showbiz. Pumirma siya ng kontrata sa Star Magic, ang talent management arm ng ABS-CBN.

Darren Espanto (Larawan mula sa Manila Bulletin)

Tulad nang ibang child stars na nakilala bilang sweet, cute, at charming at biglang nagsilakihan na't naiba na ang imahe, gayundin ang reaksyon ng netizens kay Darren dahil napapansin nilang madalas na itong magpakita ng topless photo sa kaniyang social media platforms. Nawindang ang netizens sa latest pa-abs ni Darren Espanto with matching pahid pa ng cream, na ibinahagi niya sa kaniyang Instagram account.

Tsika at Intriga

Chloe San Jose, mas pinipiling maging 'authentic' na tao kaysa people-pleaser

Ipinaliwanag ni Darren na ang cream na ipinapahid niya ay tinatawag na 'Lipo Gommage' ng isang produktong pampaganda.

"Lipo Gommage’ is an anti-cellulite body scrub that turns any day into a spa day! It gently exfoliates the skin and helps limit the entrance of fatty acids. Try it now!" aniya sa caption ng kaniyang IG post.

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Marami sa netizens ang hindi napigilang magbigay ng komento sa kaniya.

"Di ako sanay na may mga ganito ka nang posts. In my head you're still the little kid I met in 2014 who was shorter than me. Huhu," saad ng isa.

"Ikagagalit mo ba kapag sinabi kong ‘ituloy mo lang?' HAHAHAHAHA WAG MO ITIGIL, BEYBI!" wika naman ng isa.

"Parang kahapon lang, cute na cute ako sa iyo, ngayon, Juiceko Lord, malaki ka na pala at pasarap nang pasarap, Darren!" turan ng isa.

Darren Espanto (Larawan mula sa IG)

Si Darren ay napapanood sa musical variety show na 'ASAP Natin 'To' sa Kapamilya Network, TV5, at iba pang mga platforms nito tuwing Linggo ng tanghali.