Marami ang nakakapansin na tila may 'hugot' ang mga social media posts ng Chinita Princess na si Kim Chiu hinggil sa isyu ng pambabalewala.

Marami sa kaniyang mga tagahanga at tagasuporta ang nagbigay ng espekulasyong baka may problemang pinagdaraanan ngayon ang actress-TV host dahil kapansin-pansing minsan ay wala itong imik at hindi masyadong nakikipagkulitan sa mga nakaraang episode ng kinabibilangang noontime show na “It’s Showtime" na nagla-live sa Clark, Pampanga.

Kim Chiu (Screenshot mula sa YT/Kapamilya Online Live)

Tsika at Intriga

#BALITAnaw: Social media influencers na naging pasabog ngayong 2024

Sa isang episode naman, napansin ng mga netizens na bagama't kasama si Kim sa mga hosts, ay wala itong hawak na mikropono.

Nagkaroon din ng blind item na may isang bagong host umano ng noontime show ang tatanggalin na dahil hindi umano nito gusto ang pinaggagagawa sa show, at isa pang dahilan, ay may bago umano itong proyekto.

Samantala, ibinahagi ni Kim sa kanyang Instagram Story ugali umano ng mga taong ang zodiac sign ay Taurus.

"As a Taurus, you are often taken for granted due to your very kind and sensible nature. You aren’t likely to reverse a decision," ayon sa kaniyang nai-post na quote card. Nirepost naman ito ng kaniyang nobyong si Xian Lim na ngayon ay certified Kapuso na. May mensahe itong “Never dim your light for the sake of others my love. In this lifetime, all we have is our self worth. Don’t let anyone take that away from you.

“You are loved by millions. Keep moving forward. I love you. We all love you (heart emoji) @chinitaprincess,” dagdag pa ni Xian.

Isa pang quote mula naman sa sikat na singer na si Beyonce ang pinost ni Kim.

“Your self-worth is determined by you. You don’t have to depend on someone to tell you who you are. Nakita ko lang sabi ni ate B.”

Narito ang ilan pa sa kaniyang mga cryptic posts na sinusubukang iinterpret ng mga netizens:

“The world is a beautiful place, but it can be hard to see when things don’t go as planned."

“Sometimes what we want in life and what we receive are completely different. Sometimes the world takes away things that we thought were certain.

“Sometimes it tells us we are wrong when we are convinced we are right. But maybe the world will never change for us. Maybe we have to change how we see the world. Maybe it really comes down to perspective.”

“Is it loneliness or is it self discovery? Is it hurt or is it growth? Is it failure or is it a lesson? Is it breakdown or is it breakthrough?

“Life is not about waiting for beautiful things to happen. It’s about finding its beauty in every situation. It’s about discovering magic in reality. It’s about seeing familiarity in a whole new light.

“The world will always be a beautiful place if we choose to see it that way. Change the way you look at things. It’s all in our own perspective."

Samantala, hindi pa matukoy kung tungkol ba sa trabaho ang mga cryptic messages o sa kaniyang personal na buhay.