Umapela sa publiko ang mga awtoridad na huwag tangkilikin ang mga pekeng produkto na nagkalat sa merkado at sa halip ay mas bilhin ang sariling atin na makatutulong sa karagdagang trabaho at ekonomiya ng bansa lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Inilabas ang panawagan kasunod ng pagkakasabat ng Bureau of Customs-Intellectual Property Rights Division (BOC-IPRD) sa mahigit₱7 bilyong halaga ng mga pekeng produktosa 230 warehouse sa Milenyo Mall Plaza na matatagpuan sa panulukan ng Russel Avenue at FB Harrison Street, Baclaran, nitong Lunes.

Kabilang sa narekober ay mga sapatos, damit,balabal at iba pa.

Unang nakatanggap ng impormasyon ang mga tauhan ng BOC Main Office sa Port Area, Maynila kaugnay sa mga produktong ipinapasok sa nasabing bodega na pagmamay-ari umano ng isang Tsinoy at sinasabing walang kaukulang permit ito.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Nagsagawa ng masusing surveillance ang mga tauhan ng BOC-IPRD sa lugar kung saan nadiskubre ang mga pekeng produkto sa nabanggit na bodega buhat sa ikalawang palapag hanggang sa ika-limang palapag ng mall.

Sa kabila nito, walang naaresto ang BOC sa mga may-ari ng mga pekeng produkto.

Bella Gamotea